Estudyanteng Mali-mali sa Pagsasalita ng English, Nakapagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude at Isa Nang Negosyante!

Estudyanteng Mali-mali sa Pagsasalita ng English, Nakapagtapos sa Kolehiyo Bilang Magna Cum Laude at Isa Nang Negosyante!





Ang ilan sa atin ay nakakaranas ng diskriminasyon katulad na lamang ng pagkakaroon ng maitim na balat, pangong ilong, maliit, mataba o payat. Ang iba pa ay nakakaranas ng pang-iinsulto gaya ng pagiging 'barok' sa pagsasalita ng ingles. Dahil dito, ang ilan sa kanila ay bumababa ang tingin sa kanilang sarili at may ilan naman na ginagawang inspirasyon ang natatanggap na pang-iinsult0 upang mas maging maayos ang buhay.





Ibinahagi ng isang negosyante na kinilalang si Mimi ang kanyang naging journey sa pagkamit ng kanyang pangarap kahit na siya ay mali-mali o 'barok' noon sa pagsasalita ng ingles.


"I have dyslexia so I often have spelling errors tapos di rin talaga ako magaling sa grammar and syntax so I used to shy away from posting in English," sabi ni Mimi.



Inamin niya na nahihiya siya noon na magkamali lalo na dahil sa mga Pinoy [hindi lahat] na mahilig magtama ng mga mali sa harap ng maraming tao. "Kahit sa TV, punchline lagi ang “barok” mag English."







Nabago ang kanyang pagiging 'barok' sa english nang mag-aral siya sa Japan. Sinabi pa ni Mimi na kahit 'barok' siyang mag-ingles doon ay hindi naman siya nakakaranas na diskriminÄsyon.









Comments