10 CRAB MENTALITY SIGN OF FILIPINO

 Utak Talangka nga Ba ang mga Pinoy? 



Imagine nakahuli ka ng maraming talangka or crab, then you decided to put it  in the a deep container, let's say nilagay mo sa balde, Now Obserbahan mong mabuti kung  anung  ginagawa ng mga talangka dito,  dahil ang crab ay may instict na nais makawala at pumunta kung saan ang  dagat, gagawa ng paraan ang  talangka na makatakas 

ngayun makikita mo na ito'y susubukang  umakyat pataas ngunit, dito  mo makikita na hinihila ng mga talangka na nasa ibaba ang mga kasamahan nitong nauna nang umakyat sa balde, 

lahat naman ng talangka ay nais makawala sa balde kaya naman , kung sinu ang  kanilang  makapitan ay kanilang hihilahin pababa.  "thats where the legendary crab mentality born" ,

dito  nabuo ang crab mentality na ibinabato sa mga  pilipino, yes mga kaibigan you heard it right!      ang salitang crab mentality ay palaging ini - uugnay sa mga pilipino,  isang patunay dito na  kahit subukan mong  mag search sa internet at i-google ang salitang Crab mentality ay makikita mong  kalakip ng crab mentality ang mga Pilipino 


ANO ANG CRAB MENTALITY?

Ang crab mentality ay isang kaugalian na kapag may nakikitang nakaaangat ang isang tao ay tatangkain niya itong ibaba o pabagkasin. Ito ay hango sa mga talangka na, kapag nilagay sa isang lalagyan          ay hahatakin ang nakaangat umakyat pababa habang tinatangkang lumabas.

Ang crab mentality o utak talangka ay pag – iisip na nakabatay sa paniniwala na “kung hindi ko makukuha ang gusto ko, hindi mo din dapat makuha ang gusto mo”. Ang katagang ito ay naimbento ng manunulat na si Ninotchka Rosca bilang paghahalintulad sa mga talangka sa loob ng palayok. Ito ay isang pag – uugaling makasarili na inihalintulad sa kilos ng isang talangka. 

Gamit ang kanilang mga sipit, kaya ng talangka na hilahin ang iba pang mga talangka hanggang sa marating nito ng pinakatuktok ng kanilang kinalalagyan maging ito man ay isang balde, palayok, o sisidlan.  

Sa tao, ang crab mentality o utak talangka ay isang hindi magandang pag – uugali sapagkat taglay nito ang pagiging makasarili. Isang taong gagawin ang lahat kahit pa manapak ng iba para lang makuha ang gusto niya.

 Ang taong ito ay gagawin ang lahat upang hindi magtagumpay ang kanyang kapwa bunga ng inggit, sabwatan, at pagiging mapagkumpetensiya. Kadalasan, hindi batid ng taong nagtataglay ng ganitong mentalidad na siya mayroon nito sapagkat iniisip niya na ang buhay ay sadyang puno ng kompetisyon at ito ay normal para mabuhay. 

Gayun pa man, mayroong mga palatandaan para matukoy kung ang isang tao ay nagtataglay ng ganitong uri ng mentalidad.




Mga Palatandaan ng Pagiging Utak Talangka o Pagkakaroon ng Crab Mentality:

1. Ang mga taong ito ay may mataas na pagtingin sa sarili at itunuturing ang  kanyang kapwa na mababang uri ng nilalang.

2. Nagaalala sila kapag nakikita nila na ang kanilang mga kasama ay umuunlad at nananatiling masaya.

3. Naniniwala sila na kung hindi nila makukuha ang kanilang gusto, hindi rin dapat makuha ng iba ang kanilang gusto.

4. Punong – puno sila ng mga positibong pananaw para sa kanyang sarili ngunit puno ng mga negatibong pananaw para sa iba.

5. Sinisisi nila ang iba sa kanilang mga pagkakamali imbes na tulungan sila.

6 .Itinuturing nila ang kanilang mga kasamahan na kakumpetensya.

7. Hindi sila marunong magpakita ng pakikiramay.

8. Umaarte na alam nila lahat ng mga bagay.

9. Kadalasan, inuubos ng mga taong ito ang kanilang oras sa pakikipagkwentuhan ukol sa mga tao kaysa ang kanilang mga ideya at suhestiyon.

10. Hindi nila kailanman tatanggapin ang katotohanan na sila ay utak talangka.

yan lang ang ilan sa mga katangian ng isang taong nag tataglay ng crabmentality virus 


Mga Paraan Upang Mapaglabanan ang Crab Mentality o Pagiging Utak Talangka:


1 Hayaan na ang tagumpay ang magpamalas ng tunay na galing.

2 Maging maasahin sa mabuti o optimistic.

3 Ipagpatuloy kung ano ang mga nakagawian na.

4 Maging sarili mo o ipakita ang totoong ikaw.

5 Maging mabuting halimbawa.

6 Mahalin ang mga ginagawa.

7 Tanggapin ang mga kabiguan bilang bahagi ng proseso.

8 Pahalagahan ang mabuting pagkakaibigan.

9 Magkaroon ng tiwala sa ibang tao.

10 Pahalagahan ang kapayapaang nagmumuala sa kalooban.

11 Magpatawad at magpatuloy.


Conclusion. 

kung tutuusin wala namang talagang kinalaman ang mga talangka sa ugaling pinoy, nais lamang nilang umalis sa kinalalagyan , ngunit nadadamay lamang ang mga nilalang naito dahil sa isa itong  metaphor  kagaya ng Buaya sa senado, Buaya sa gobyerno, linta sa opisina,  at marami pang iba , isa lamang  itong pag hahalintulad, 

Now kung akong tatanungin okey lang kung hilahin moko pa baba wala naman kasi saking mawawala, ngunit ang  nakakabahala lang sa ugaling  ito ay sa mga taong palagi nitong  nakakasalamuha, laganap to sa paaralan , sa opisina at marami pang estado sa ating lipunan. 

kapag may na pro-promote na co-workers mo ay na fe-feel mo na mas deserving ka pa sa na promote mo na ka trabaho, feel  mo  mas magaling ka sa kanya,  na imbes na maging  proud ka nalang  sa tagumpay ng ka work mo ay sisiraan mo pa ito.

imbes na maging  proud tayu sa achievement ng iba ay tila hinihila pa natin sila pa baba, at going back to number 10 walang  point na makipag talo sa mga talangkang pinoy dahil mismong sila mismo ay hindi nila alam na may pag uugali na pala silang  talangka.

Mga kaibigan kung ang  mga tao lamang na may mga ugaling  ganito ay gagawing  isang  inspiration ang tagumpay ng ibang tao ay wala sanang bansag na crab mentality  sa mga pilipino sa buong  mundo . 

Gaya ng nasabi sa videong ito ,  kung  hindi ka naging  matagumpay sa trabaho mo or sa ibang bagay  ay bakit hindi kanalang mag move on at subukang e-improve  ang sarili at hayaan ang tagumpay  ang maging  patunay na magaling ka nga sa nasabing larangan na pinasok mo, 

kung  hindi mo man napagtagumpayan ang isang bagay ay mas magandang mag focus ka nalang sa kung saan ka magaling at maging lessons sayu ang kabiguan at inspiration naman sa tagumpay ng iyong kapwa, 


ikaw kaibigan anong masasabi mo? share mo naman ang blog naito sa facebook wall mo ng mabasa ito ng ilang mga pinoy na may ganitong katangian , malay mo tamaan diba, hehe, 😋


Hanggang sa muli Boogz tv! Peace!

Subscribe to  BOOGZ TV 


Comments