IV OF SPADES & UNIQUE SALONGA - BAKIT UMALIS UPDATES 2020

TOTOONG DAHILAN SA PAG ALIS NI UNIQUE SA IV SA SPADES




Tatlong  taon na ang  nakakalipas ng gumawa ng obra ang isang grupo ng mga teenager,
sila ang banda na tinatawag na IV of Spades, isa sa kanilang  obra ay ang kantang  MUNDO na sa unang mapakinggan mo ay talagang ma hu-hook ka kahit anog estado mo sa buhay keso  bata or matanda keso kpop lover ka or american band lover ka keso ano pa ang genra mo or iniidolo mo once na marinig mo ang  kantang  MUNDO ay ma iinlove ka.

This is one of the greatest hits noong panahong iyon , syempre nan dyan din ang buwan , ni Juan Karlos. itong dalawang kanta ang namamayagpag sa OPM natin at kahit naman hangang sa ngayon  ay sikat na sikat parin ang mga kantang  ito. 



MISTERYO SA KANTANG BUWAN - https://www.youtube.com/watch?v=MJziJEsJz-k

Tulad ng mga Youtuber ang goal namin ay gumawa ng content na  mapapanuod at patuloy na papanuorin kahit wala na kami sa mundo.

Pero kasabay ng one time hit na Mundo ay sya namang pag alis ng lead vocalist na si Unique Salonga.  at hanggang ngayon ay palaisipan parin ito at hanggang ngayon na nanatiling misteryo ang pag alis ng lead vocalist nilang si Unique.

kaya naman, bilang isang Youtuber at fans ng kantang mundo ay hinalug-hog ko ang  buong internet Youtube, deep web at kahit Encyclopidia ay binasa ko narin, kahit  hindi naman dapat at kahit out of the connection, ito ay talagang pinag tyagaan ko, para baggang ''i need to solve this mistery''sa pag alis ni Unique sa kanilang  banda. 

Kaya naman sa Blog post na ito ay dito mulang malalaman ang tunay na dahilan sa pag alis ng kanilang lead vocalist na si Unique Salonga, therefor mga kaibigan grab your popcorn sit back and enjoy reading.


CAUGHT MY ATTENTION

So naka upo ako sa isang sulok at nag e eh-scroll sa youtube, Syempre boring and then itong si Youtube ay Nag recommend ng video na may pamagat na Mundo, total lockdown that time, kesa maboring Ako ay nanuod nalang ako sa youtube, then I stumble across this song na kahit single ka at dikaman in love ay mahuhook ka sa kantang ito. 

something makes me realize na itong kantang ito ay ginawa ng Grupo ng mga Kabataan or how should I say mga teenager, noong una akala ko normal na banda ang IV of Spades binalewala ko lang ang mga kanta nila, napakinggan ko na sila noon paman, but I never know the true story ng Kanta. 


HISTORY




Ang IV of Spade ay isang  Filipino rock band na galing sa Metro Manila. na binubuo ng lead vocalist and rhythm guitarist na si Unique Torralba Salonga, aka Unique Salonga , Vocalist, bassist and keyboardist Daniel Zildjian Garon Benitez, aka Zild Benitez, si Zild din ay songwriter ng banda. vocalist lead guitarist Blaster Silonga at and drummer na si Badjao de Castro.

Ang malapit na Genre ng IV of Spades ay ang  funk-rock or pop funk pati sa istilo ng kanilang pananamit ay Kuha sa 1970's inspired outfit,  kung titignan halos halo halong fashion ang kanilang outfit, parang ito yung pinag samang 1970's outfit Pero may Twist ng Modern Outfit.




Ang banda ay nag simula noong  2014 , this was founded by Allan Mitchell Silonga ang tatay ni Blaster na kalaunan ay naging lead guitarist ng banda, 

Nag simula ang lahat sa kanilang mga magulang na dati ng mga mag kakakilala at mag kakaibigan

si Blaster, Zild at Badjao ay noon paman ay mag kakaibigan na bago paman ang IV of Spades, ito'y katuwaan lang talaga nila noong una, ang tatlong mag kakaibigan ay tumutugtug na noon paman. 

kung baga ito yung  pinaka bonding ng tatlong mag babarkada, madalas mag simba ang mag kakaibigan at eksaktong eksaktong si Unique Salonga ay ka church-mate ni Benitez na noon paman ay nag susulat na ng mga kanta. 

Ang  IV of Spade ay mai-tuturing  na kakaiba sa modernong panahon kung ikukumpra kasi sa edad nila, iba ang kanilang panlasa sa genra ng kanta, kahit sa istilo ng kanilang pananamit ay kakaiba din. imagine ipinanganak ka sa modernong panahon,or rather isang millennials, ngunit ang kaluluwa mo ay nakakulong sa panahong 1950's ganyan na ganyan ang  IV of Spades.

Ang kanilang banda ay totoong na impluwensyahan ng 1950's to 1970's  fashion kung tayu'y babase sa kanilang pananamit. Sa genre naman ay may twist na ABBA, King of Leon ,Tame Impala

My chemical Romance, Radiohead , Jet, Beatles, Bee gees at syempre ang iconic na VST and Co. nila Tito,Vic and Joey


Totoong masasabing they are out of this world, Para sa mga kabataang ipinanganak sa 20th Century, karamihan kasi ang hilig nowadays ay mga malalaswang kanta o mga kantang di maintindihan at puro kabastusan ang kahulugan na syang namang tinatangkilik ng millennials, pero ibahin nyu ang IV of spades, sila ang totoong  nag iisang batang banda sa pinas na patuloy na nag propromote ng kakaibang OPM sa bansa natin, 

Sila ay mga anak ng mga musician kaya naman hindi na nakapag tataka na , nasa dugo na nila ang pag kanta at pag gawa ng isang obra , mas lalong  umangat ang kanilang  popularidad ng minsan ng nag compete itong sina Zild at Blaster sa Eat Bulaga Ultimate Music Hero at nanalo bilang Grand champion sa electric guitar at bass guitar compitition sina Zild at Blaster.


SONGS

Unang  kanta na nilakha ng banda ay ''ilaw sa daan'', sumunod ang ''hey barbara'' na ini-release noong  July 9,2017. kasunod nito ay ang  ''where have you been my Disco'' na sya naman ini-release noong December 9, 2017. Ngunit ang ika-apat nilang hit single na MUNDO ang bumago sa career ng apat na mag kakaibigan.

Pag katapos kasing  patugtugin ito sa wish 107.5 ay umagaw ito ang atensyon ng milyong milyong manunuod, dito nabago ang takbo ng career ng banda, mula sa katuwaang Gig, hanggang sa pinaka sikat na banda sa Pilipinas ang IV of spades,  



AWARDS 

Noong 2018 itinanghal ng MYX Music Awars ang IV of Spades bilang  New artist of the Year Bandarito Performance of the year at Group of the year.

Hindi lang sa pinas Sikat ang IV of Spade kahit mapa international ay kinikilala ang IV of spades bilang isang Unique taste of music genre, at the mixture of old Classic music at Modern music.

Myx Bandarito Performance of the Year , Group of the Year.

Best Southeast Asia Act, Music Video Of The Year,  Record of the Year, Best Performance by a Group Recording Artist, Favorite Performance by a Group Recording Artist,

Wish Promising Artist of the Year, Wishclusive Urban Performance of the Year, Wish Rock/Alternative Song of the Year, Wishclusive Rock/Alternative Performance of the Year ,Wishclusive Collaboration of the Year, Wish Rock/Alternative Song of the Year ,Wish Group of the Year( 4th Wish Music Awards)

sobrang daming award ang nakuha ng banda throughout the year, See the full list here, https://en.wikipedia.org/wiki/IV_of_Spades

All in all ay labing limang award ang nakamit ng banda mula 2018 hanggang 2020, At sa kabuuhan ay 17 times nominated ang kanilang banda both local at international.


     
ANG PAG ALIS NI UNIQUE

kahit hanapin mo ang dahilan kung bakit umalis si Unique sa banda ay wala kang makikita halughugin  mo man ang internet, pero napakaraming Clue at mga ''pieces of puzzle'' na makikita rito.

At the same time , sa isang interview sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) may nabangit syang unang clue natin,

Nabangit niya ang salitang sya ay  trap in a box , ''Mahirap mag sulat ng kanta na pareho nanaman sa kanta na ginawa mo,'' - Unique on a interview with TWBA.  ( https://www.youtube.com/watch?v=QHl9RGBzoao ) 

Kung ating uunawain tila ipinapahiwatign ni Unique na he wants to create music without restriction,

Yung Sense of freedom na gumawa ng Kanta ng walang label, ibig sabihin lang nito ay ayaw niyang,   e-compare ang mga kanta na ginagawa niya sa mga nag daang banda. 

As much as possible he wants to make it as Unique, really this make sense, sa kadahilanang sya ang lumikha, sumulat ng hit song na Mundo.

Pinapahiwatig niya na they need to create a different type of music na Hindi katulad ng mga nag daang banda, he wants to make their band unique to everyone

That makes sense given his name Unique,  

Imagine nakakulong ka sa isang box at gustong gusto mong gawin ang isang bagay na matagal  mo nang gusto pero you feel being restricted , dahil sa situation mo ay may set of rules or restriction na Kailangan mong gawin.

For an artist na hindi mo magawa ang bagay na mag papasaya sayu ay talagang nakaka depress.

  


lahat naman ng banda may conflict di yun maiiwasan, dumarating  talaga  Minsan ang pag ka-kabuwag ng banda , isang halimbawa dyan ay ang River Maya, na papalit-palit ng vocalist, at mga member nito. Parokya , Eraserhead, Bamboo at marami pang iba,

Although Hindi mo kilala ang mga original member nila but throughout the years, people come and go that's the reality, Some need to go in order to fulfill yung dreams nila.

Yung iba opportunity, yung iba because of the conflict, at sigurado ako isa ito sa mga matinding dahilan Kung Bakit mas pinili nalang ni Unique na umalis  kaysa may makaalitan sakanila.

Unique feels he's being restricted kung mag e istay sya sa banda, Kung napakingan mo ang kanyang nilikhang Kanta na may pamagat na SINO,  mapapakingan mo na Unique and the IV of spade live in the differnt world but still they both inside the same universe.



kilala si Unique sa pag gawa ng mga kakaibang kanta,  kagaya ng naging minsang naging controversial na experimental music na ginawa nya na napaka creepy,  patunay na isang magaling na artist itong si Unique at restraining him will make things worse for him at sa mga taong kasama nya.

Isang dahilan narin kasi na ang isang artist has to express himself , masyadong mabigat sa isang artist kapag nalilimitan sya sa nais nyang magawa , Na sa palagay nya ay mag bebenefits sa banda, remember na hindi si Unique ang leader ng banda,

kung ako ang tatanungin si Zild and Blaster Own the band, Sila ang nag pangalan sa kanilang banda,  mag kababata , mag kakaibigan itong sila  Zild, Blaster at Badjao, kahit ang kanilang mga magulang ay may mga malalalim na ugnayan sa bawat isa, at pakiramdam ni Unique ay hindi sya belong sa kanilang mundo.

kung tungkol sa hatian sa pera ay ito siguro ang pinaka last na pwedeng maging dahilan, Sa usaping  ito medyo hindi pasok ang usapang pera,  Maraming banda ang nasira dahil sa usapang hatiaan sa pera, at alam kong may alam kayu na mga pangalan ng mga banda na nag kawatak -watak dahil sa pera.

Pero kung ating susuriing mabuti, medyo malabo ito at masyadong mababaw na dahilan . 

Bakit ko nasabi? matatandaan na nabanggit ko na sila ay mag makaka church-mate, Mga anak ng Pastor na pinalaking may takot sa Diyos  kaya hindi sila yung tipong swapang sa pera.

Ang patunay dito ay ang hindi nila pag babawal sa pag gamit o sa pag awit ng kantang mundo or mga kantang originally sinulat  ni Unique,  Tanda ng kahit papaano ay may pinag samahan silang apat,

Pwedeng kantahin ni Unique sa kahit anung Gig or concert ang kantang ginawa nya, Same Goes sa bandang IV of spades, Sa hatian ng pera or Kita , balewa lang sakanila yun

Although may sugat sa pag alis ni Unique sa bandang IV of spades,  nag papatuloy parin sya sa paggawa ng mga kanta.

Sakabilang banda naman ay huminto Muna pansamantala ang grupong IV of spades sa pag Kanta or sa pag gawa ng mga Kanta, 

On August 21, 2020 The band entered a hiatus. or ibig sabihin ay pansamantalang pag hinto upang gawin ang Kani- kanilang personal endeavor or priorities sa Kani- Kanilang buhay.

Does it mean na wala ng IV of spades? Sa aking palagay ay Hindi pa, for sure mag babalik din sila dahil Ika nga Nasa dugo na nila ang pag gawa ng mga Kanta at kahit matigil or mahinto Sila ay mag babalik din sila for sure.

For now, let them rest and let's wait for their comeback.  https://web.facebook.com/IVOFSPADES


CONCLUSION

Being trap in  a box at restriction to express your artistic side ay isang malaking dahilan Kung Bakit mas pinili ni Unique na umalis nalang sa grupong IV of Spades.

Ngaunit kahit umalis man sa grupo itong si Unique at kahit gumawa sya ng sariling awitin , it is a win win for OPM , Ma e-express na ni Unique ang kanyang pagging Unique artistict side.

At katulad ng IV of spades mag papatuloy sila sa pag gawa ng mga awitin hindi pa nagagawa o hindi pa nalilikha ng sinuman , Yan ang isa sa pangarap ng bandang IV of spades.

Kahit mag kaiba ng mundo ang IV of Spades at si Unique  hindi maaalis ang katotohanan na they live in the same Universe.


COMMENT YOUR OPINION

Ikaw kaibigan anung iyong palagay sa pag alis sa banda ni unique? may kinalaman din ba si kean sa pag alis ni Unique sa banda? feel free to comment down below,  at Kung nagustuhan mo ang blog post na ito ay paki SHARE mo naman . LOVE U 🥰 

hanggang sa muli Boogz tv sign out peace,  goodbye

Subscribe Here 👉👉https://www.youtube.com/c/BOOGZTV

Comments