AETA HINDI PINASAKAY NG KILALANG BUS LINE SOBRANG KAAWA- AWA

 Nakakalungkot ang sinapit ng Isang Pamilyang Aeta, Nang hindi Pasakayin ng Kilalang Bus Line! Nais lamang nila Makauwi!

Photo: Facebook/Mikhael Petito

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang lahing katutubo at isa na nga dito ang mga katutubong Aeta. Sa kanilang mga tribo ay natural ang pagkakaroon ng mas dark-brown na kutis kumpara sa nakasanayan na kayumangging kulay ng mga Pilipino at kulay itim rin ang kanilang kulot na buhok. Madalas silang naninirahan sa bulubundukin at mga liblib na lugar noong unang panahon ngunit dahil na rin sa pagbabago ng panahon at kawalan ng makain sa bundok ay napipilitan silang bumaba sa patag para makipagsapalaran.

Malayo sa kanilang nakasanayan ang modernong pamumuhay ngayon, lalo na sa mga lungsod kaya naman mayroong mga pagkakataon na sila ay nabibiktima ng mga manloloko o di kaya naman ay binabale-wala ng ibang tao lalo na at hindi rin nakapag-aral ang karamihan sa kanila. 

Photo: Facebook/Mikhael Petito


Neto lamang ay mayroong isang pangyayari sa bus station na nag-viral sa social media at ikinalungkot ng maraming tao, Isang concerned netizen ang nagbahagi ng kwento ng pamilyang Aeta na hindi pinasakay ng mga airconditioned na bus. Labis ang pagkalungkot neto dahil sa maling pagtrato ng ilang mga tao sa pamilyang ito.

Photo: Facebook/Mikhael Petito



Ang nasabing kwento ay ibinahagi ni Mikhael Petito sa kaniyang Facebook account.

“…Habang naghihintay ako ng bus papuntang Pasay napansin ko sila sa gilid ng shed may kausap na babae. Nacurious ako and lumapit kung saan sila papunta. Nalaman ko sa Sta.Cruz, Pampanga lang sila at AYAW SILANG PASAKAYIN sa mga aircon bus??? 2 bus na daw ang dumaan at tinanggihan silang sumakay…,” ayon kay Petito.





Comments